Bukod siguro sa simbahan at mga santo, isa na rin siguro na tumulong na nagbigay ng PAGASA sa pamilyang Pilipino ay ang mga NOONTIME SHOW. Aminin na natin na karamihan sa ating mga magulang ay sumubok ng magpasa ng entry sa kanilang napiling palabas (kapamilya man o kapuso). Sigurado ako minsan sa talambuhay nyo ay nakakita na kayo ng patong patong na sachet ng sabon na walang laman (at pagnagalaw ay may kasunod na “Yung mga wrapper wag itatapon yan ah!”). At kagaya ng mga santo, naging takbuhan na rin ng masang pamilyang Pilipino ang mga taong kagaya nila Papi, Bossing, etc.
Pero Hindi dyan nagtatapos ang pagbibigay ng PAGASA ng mga noontime show. Wag natin kalimutan na bukod sa mga raffle draw may mga PALARO din (Patalinuhan, pabilisan, palakasan, etc.)
Syempre hindi naman yan tutulong ng walang kapalit, may mga pakulo na kailangan ay malagyan ng icing ang mga contestant, magsisipagtakbo sa mga kanya kanyang napiling letra na sagot, papakantahin, papasayawin, konting biro sa itsura, konting biro sa estado ng buhay, konting background check (Kadalasan ang mga eksena ay A. Isa kang OFW na nanay na walang trabaho si Mister na umuwi dahil natapos ang iyong papeles o nagulpi ng amo B. Isa kang bata na huminto sa pagaaral o nagaaral pa rin at ia-announce mo ang iyong pangarap, C. Sa totoo wala akong maisip kayo naman magisip hehehe, basta kailangan may kurot sa puso)
Kaya to pay tribute sa mga palaro ng mga noontime shows ito, ako ay nag-coneptualize ng isang palaro (sa mga TV networks pwede nyo po itong gayahin, miski walang bayad.) Ang tawag ko sa game ay “Kaninong retainers Yan?”
Simpleng simple lang ang mekaniks. Kailangan lang tumalon ng kalahok sa isang swimming pool at hanapin ang JACKPOT Retainer na nakahalo sa iba pang retainer. malalaman lang nya na tumpak ang retainer na nakuha nya kung ito ay isusuot at lalabas ang mukha ng may ari ng retainers sa widescreen. Pag mukha mo ang lumabas CONGRATS!!! PANALO KA NA!!!
Wala naman talaga “underlying” message ang entry ko na ito, napagusapan lang.
Thursday, June 18, 2009
Planet Watson
Aking nakuha sa isang Facebook status:
We paid for the tuition fee of our yaya’s son. So one day I was reviewing him: “The Earth is the 3rd planet from the sun. Ano ang katabi ng Mercury?” His mom, our yaya, answered: “Parang Watson’s yata…”
Magandang Umaga po!

Labels:
Earth,
Exam,
Facebook,
Homework,
Joke,
Mercury Drug,
Review,
Solar System,
Student,
Tutor
Bawal mag job fair..KAMI LANG PWEDE!
Minsan ilang araw bago mag araw ng kalayaan eh naisipan kong dumalaw sa aking suking barberya. As usual pinagpagan na ni Mang Jon ang upuan at ako’y naupo. Habang nagsisimula na si Mang Jon sa pagaayos ng mga gamit eh nagsimula na rin syang lumagare ng kwento. Si Mang Jon ang perpektong halimbawa ng “KWENTONG BARBERO”. So ang topic namin ay…Job Fair.
Tama po kayo mga kaibigan, kababayan at mga mambabasa…hindi ako pinatawad ni Mang Jon, pati sya ay sumasabay sa isyu at uso (pero huli sya sa fashion ngayon kasi wala syang ako mismo dog tag, na kanyang kinalulungkot dahil ngayon naramdaman nyang hindi sya “IN”). “May Job Fair daw ang DOLE sa Luneta ah? Pupunta ka ba?” Tanong nya. Sumagot ako hindi dahil hindi naman ako naghahanap ng malilipatan. Ang sinabi ko na lang eh okay lang madami pa naman ibang job fair kagaya ng Trabaho sa Turismo Job fair (na mas malaki at dinayo sa aking nabalitaan). “Pero sabi ng kakilala ko eh wala itong kasabay” Dagdag ni Mang Jon. “Bakit naman?” tanong ng inyong abang lingkod. “Sabi kasi ng kaibigan ng kaibigan ko na may kakilala sa munisipyo, sabi daw ng DOLE (yung ahensya..oo may ganun hindi lang halata, hindi yung juice) eh walang pwedeng sumabay sa kanila dahil…” naputol ko sa pagsasalita si Mang Jon (alam kong mali patawad). “Dahil ano? baka mahati ang pupunta?” ito ang aking dinagdag.
Dito mga kaibigan nagsimula na ako magsalita ng aking hinaing, dahil talagang hindi ko makita ang dahilan bakit kailangan i-”centralized” ang isang serbisyong publiko kagaya ng job fair. Hindi naman lahat eh kayang makapunta sa Luneta. Una hindi matantya ang panahon. Pangalawa hindi naman lahat eh may sapat na pamasahe. Di ba?
Ito naman ang dinagdag ng manong sa labas na nagda-dama “Eh syempre ayaw ng kumpitensya ng mga ahensya. Bakit kanyo? Syempre…pataasan ng ihi ang mga yan. Kaya nga tayo hindi umasenso dahil bukod sa panay reklamo ang karamihan sa atin eh ang mga ahensya mismo ay naglalaban laban.”
Aba, nagulat ako sa opinyon ni Manong sa labas. Parang red horse eh may TAMA…at parang taga probinsya may PUNTO. Oo nga naman, bakit mo ihahati ang “foot traffic” mo sa iba kung pwede naman sa iyo lahat. Ano nga ba ang bagay na tawag sa ganyang ugali…hmmm ay alam ko na BUWAKAW, SWAPANG, SAKIM (kung kayo’y may karagdagan na salita leave a comment).
Natapos na ang paggupit sa akin ni Mang Jon, hehehe astig, ang ganda ng tabas.
Pauwi na ako naglalaro ang pinagusapan namin ni Mang Jon at ng manong na nagda-dama. Sabay tingin sa magandang gupit ko (Vanity is my Favorite sin), hmmm kung ang inisip na lang siguro nila eh gawin ng maayos ang trabaho nila kagaya ni Mang Jon…
Gwapo ang resulta.
Well hindi yun tsismis, napagusapan lang.

Corruption,
DOLE,
Dole Job Fair,
Events,
Job Fair,
Jobs,
Luneta,
Manila,
Philippines Politics,
Politics in the Philippines,
Rizal park,
Trabaho,
trapo
Tara na Makiuso
Tara nang maki-uso
Sabay sabay tayong sumuso
Magsamasama ang mga peke
Sa a-dose ng Hunyo
Magsuot ng astiging kwintas
habang scandal ni Hayden
sa Widescreen pinapalabas
tutal yan ang bago
tara na makiuso
Ipagsigawan natin
PROUD TO BE PILIPINO
Pero ikaw mismo
ikaw mismo abusado
nanlait, nanakit
tinapakan ang kapwa mo
Uy yan ang uso
tanginang PEKENG Pilipino
ikaw mismo abusado
tayo mismo tarantado
Pribadong sektor pinagkakitaan
tanginang pagiging makabayan
Tara ng makiuso
Dahil lahat tayo abusado
Sabi ng Peke:
“Patriotism is a necessity
kasi fuck ang ganda ng forty pesos na accesory
it’ll definitely look good on me
especially with my 3 stars and a sun na black T”
Kanya kanyang pangako
kanya kanyang panunumpa
kaya lang naman nagpledge
dahil nakikiuso ang mga walanghiya
Pinagkakakitaan kaya binebenta
Binebenta para pagkakitaan
Ginagawang palabigasanang
pagmamahal sa bayan
Tayo mismo ang umabuso
Masakit ang totoo
Ano ba ang mga bago?

Ako Mismo,
Concert,
Dog Tags,
Dogtag Day,
Fake,
Fort,
Gimik,
Hale,
Independence Day,
June 12,
Kalayaan,
Kamikazee,
Money,
Open Field,
Patriotism,
Philippines,
Pilipinas,
Pinoy,
poser,
Pupil
Subscribe to:
Posts (Atom)